^

PM Sports

Clippers wagi sa Mavs

Pang-masa
Clippers wagi sa Mavs

DALLAS -- Matibay na depensa ang ipinalasap ng Los Angeles Clippers para limitahan ang 20-an-yos na si Luca Doncic.

Humugot si Paul George ng 17 sa kanyang 26 points sa first quarter habang may 28 markers si Kawhi Leonard para sa 114-99 paggupo ng Clippers kontra sa Mavericks.

Dumiretso ang Los Angeles sa pang-anim na sunod na arangkada at winakasan ang five-game winning streak ng Dallas.

Gumamit ang Clippers ng ilang defenders para limitahan si Doncic, may franchise-record streak na apat na laro kung saan siya humataw ng 30 points at 10 assists.

Tumapos ang Slovenian guard na may 22 points, 8 rebounds at 6 assists para sa Mavericks..

Napuwersa siya sa 4-of-13 fielgoal shooting, kasama dito ang 0-for-7 sa 3-point range.

Sa Denver, kumolekta si center Nikola Jokic ng season-high 20 rebounds at humataw si Jerami Grant ng season-best 20 points para akayin ang Nuggets sa 117-104 pagpapatumba sa Washington Wizards.

Ito ang ikaanim na sunod na ratsada ng Denver.

Naglista si Will Barton ng 17 points, 8 rebounds at 8 assists para sa Nuggets, habang nagdagdag sina Jamal Murray at Mason Plumlee ng 16 at 15 markers, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

CLIPPERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with