^

PM Sports

Pagkakaisa para sa mga atleta

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan sina Alejandro Baldo Jr, dating Philippine Azkals U22 team member, Chris Tiu, dating team Captain ng Gilas Pilipinas national team at Anton Cayanan, member ng Philippine Badminton Team  sa publiko na magkaisa at suportahan ang “Team Philippines”.

Ibinahagi ng mga nabanggit na atleta sa kanilang social media accounts ang kanilang mga karanasan sa mga international tournaments tulad ng mga nararanaasan ngayon ng mga atleta sa SEA Games.

Nakaranas din ang mga national athletes ng inconveniences na karaniwan sa mga international tournaments ngunit hindi sila nagpaapekto sa mga bagay na ito. 

Imbes na magbatikos, hiling ni Alejandro Baldo Jr., dating Philippine Azkals player na gamitin na lang ang energy sa pagsuporta sa mga Pinoy athletes.

“Dahil wais tayong mga Pinoy imbes na magalit at magreklamo ginawa na lang natin to sa pinakamasayang expe-rience,”   ani Baldo. 

“For sure ‘di lang kami ang sports na nakaranas ng mga pagkukulang noong 2017 SEAG,” sabi naman ni Cayanan.

Nakaranas din si Chris Tiu, dating PBA cager ang mga problema sa international events bilang sports delegate ngunit hindi ito naging hadlang para lumaban. 

“Sports is certainly a great platform to inspire the youth, promote good values and unite a nation. Let us not use it to divide us” ayon sa instagram post ni Tiu.

Umaasa ang lahat ng Pinoy athletes na ibibigay ng kanilang mga kababa-yan ang suporta para mas tumaas ang kanilang morale at kumpiyansa kaysa sa makabasa o makarinig ng mga negatibong balita.

vuukle comment

ATLETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with