Pitino magiging coach ng Greece
ATHENS, Greece — Pumayag si dating NBA coach Rick Pitino na giyahan ang Greek national basketball team na hangad maka-qualify para sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Ito ang inihayag ng Greek basketball federation at nakatakdang iprisinta si Pitino sa Lunes.
“Really honored to be coaching the Greek National team,” sabi ni Pitino sa Twitter. “Have a lot of work and preparation ahead but I’m looking forward to the challenge.”
Iginiya ng 67-anyos na American coach ang Greek club Panathinaikos sa nakaraang season at inaasahang matutulungan ang Greece sa pagpasok sa Tokyo Games.
Naglalaro para sa Greek national team sina NBA MVP Giannis at Thanasis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.
- Latest