^

PM Sports

Alaska ite-trade si Banchero sa Magnolia

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Alaska ite-trade si Banchero sa Magnolia

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbalasa ng Alaska sa kanilang roster sa misyong maisalba ang kam­panya sa 2019 PBA Go­vernors’ Cup.

Ito ay matapos nilang pakawalan si point guard Chris Ban­che­ro sa Mag­no­lia kapalit ni forward Robbie Herndon at big man Rodney Brondial kahapon sa kalagitnaan ng PBA break.

Subalit dahil nasa break ang pro-league ay ina­asahang bukas pa opis­yal na maipapasa ng dalawang koponan ang trade papers sa Commissioner’s Office na rerebyuhin ng five-man trade committee.

Kung sakaling matuloy ang palitan ay magwa­wakas ang limang taong pagsasama nina Banchero at ng Alaska simula nang kunin siya bilang fifth overall pick noong 2014 PBA Rookie Draft.

Dating standout ng US NCAA at ASEAN Bas­ket­ball League ang Fil-Ita­lian at simula nang pu­masok sa PBA ay naging isa sa pinakamagaling na play­maker sa liga.

Sa kabilang banda, ang Alaska kung sakali ang magiging ikatlong team ni Herndon simula nang mapili noong 2017 draft bilang sixth pick ng Globalport (NorthPort).

Maglalaro naman ang dating Adamson standout na si Brondial sa kanyang ikaapat na koponan nang mapili bilang 6th pick ng Ginebra noong 2014 din at naglaro na rin sa Barako Bull.

Kung mapaplantsa at maaprubahan din ang pi­nakabagong trade sa umi­init na season-en­ding conference ay ito na ang magiging ikatlong tran­sak­syon ng Aces sa ilalim ni bagong coach Jeff Ca­riaso.

Nauna na nilang dina­la si defensive guard Ping Exciminiano at isang future draft pick sa Rain or Shine kapalit si Maverick Ahanmisi bago magsimu­la ang PBA Go­vernor’s Cup.

Nasundan ito ng pagpakawala ng Alaska kay Carl Bryan Cruz kapalit si forward Abu Tratter sa Blackwater.

 

vuukle comment

ALASKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with