^

PM Sports

Batangas bumawi sa Imus; Pacquiao umiskor ng 41pts.

Pang-masa

Dubai -- Sumandig ang Batangas City Athletics kay Jason Melano para ta-lunin ang Imus Bandera sa overtime, 86-85 at muling makabalik sa kanilang estado sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season kamakalawa ng gabi dito sa Hamdan Sports Complex.

Umiskor si Melano ng limang puntos kasama dito ang game-clinching three-point play sa huling tatlong segundo para maungusan ng Athletics ang Bandera at makabangon mula sa naunang 57-67 kabiguan sa Davao Occidental Tigers noong Biyerrnes dito.

Ang triple ni Val Acuna ang umakay sa Batangas sa overtime, 78-78 matapos maghulog ang Khaleb Shawarma-supported na Imus ng 14-points, ang huling 12 ay mula sa back-to-back triples nina Jayjay Helterbrand at Jojo Cunanan.

Naimintis naman ni Helterbrand, ang PBA 2009 MVP, ang kanyang posibleng game-winner sa nalalabing tatlong segundo sa regulation at sa extension.

Tumapos si Acuna, nagsalpak ng tatlong sunod na triples sa fourth quarter, na may 19 points at nagtala si Melano ng 18 markers at 10 rebounds para sa 10-5 record ng Athletics, ang MPBL Rajah Cup champions, sa South division ng 31-team league na itinatag ni Sen. Manny Pacquiao.

Nakahugot din ang Batangas kay Jeff Viernes ng 16 points at 7 assists, habang may 14 markers at 7 boards si Jayson Grimaldo.

Nalasap maman ng Imus ang kanilang ikaanim na dikit na kamalasan at nahulog sa 3-12.

Samantala, nagpasabog si Pacquiao ng 41 points, tampok dito ang anim na triples, para banderahan ang MPBL Exe-cutives sa 107-101 pagresbak sa Dubai All Stars sa kanilang exhibition game.

Nauna nang binigo ng Dubai All Stars ang MPBL Executives sa overtime, 99-96 sa kabila ng 35-point output ni Pacquiao.

 

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with