^

PM Sports

McDaniels, Wells patok

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mukhang patok ang dalawang bagong PBA imports sa katauhan ni KJ McDaniels ng TNT Ka-Tropa at Dez Wells ng San Miguel Beer.

Sabay nagpakilala sa PBA fans ang dalawa noong nakaraang gabi kung saan tumikada si McDaniels ng 41 points upang igiya ang TNT sa 135-107 panalo kontra sa Blackwater at sumunod ang 42-point explosion ni Wells sa kanilang 130-119 panalo kontra sa Phoenix Pulse.

Magagandang numero rin ang binunot nila sa kanilang mga laro sa East Asia League Terrific 12 tourney sa Macau.

Dating Philadelphia Sixer at Houston Rocket si McDaniels samantalang gumawa ng pangalan si Wells sa Italy at Greece pagkatapos ng magandang collegiate career sa Xavier at Maryland.

Ang tanong ay kung masusustina nila ang magandang ratsada kapag na-scout na ng mga kalaban sa PBA.

Eto ay bagay na naipakita nina Justin Brownlee, Allen Durham, Romeo Travis at Eugene Phelps, kaya naman regular fixtures na sila sa PBA.

Nagawa rin ito ni Marqus Blakely noong mga unang taon niya sa PBA. Obvious na nalipasan na ng panahon ang mamang ito na limitado sa four points sa loob ng 28 minuto sa kanilang masamang talo sa TNT.

Kung sabagay, hindi naman siya ang tunay na kursunada ng Blackwater. Nakatakdang lumaro sa kanila si Aaron Fuller kaya lang ay tinamaan ng injury.

Balik kay McDaniels at Wells. Mukhang jackpot talaga ang TNT and SMB.

Naghagilap ng topnotch imports ang dalawang koponan dahil nais na muling mag-contend sa titulo pagkatapos ng kanilang title showdown sa PBA Commissioner’s Cup.

Siyempre, mas malalim ang hangarin ng SMB na muling tumuntong sa finals at magkatsansa na makumpleto ang grand slam.

vuukle comment

KJ MCDANIELS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with