^

PM Sports

Didal, 10 pang skaters palaban sa SEA Games

Pang-masa

MANILA, Philippines — Gagamitin ni Margielyn Didal ang kanyang karanasan sa katatapos lamang na Street League Skateboarding (SLS) World Street Skateboarding Championships women’s division sa Sao Paulo, Brazil para pangunahan ang kampanya ng Phl Skateboarding team sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Nobyembre 30.

Kinapos man na makatungtong sa Finals ng torneo, nagpamalas pa rin ng kakaibang angas si Didal dahil nagawa niyang makalusot sa semifinal round at sikwatin ang ika-15 puwesto sa 30 kalahok.

Si Didal ang babandera para sa Pilipinas, itinuturing na powerhouse sa sports na ito, na target na pagharian ang walong skateboarding competitions sa parehong men’s at women’s division biennial sporting event na ito.

“Malaki ang chance natin, lalo na we are considered as a powerhouse in Southeast Asia,” sabi ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines president Monty Mendigoria. “But of course we have to work real-ly hard lalo na sa mga ensayo.”

May kabuuag 11 skate boarders ang maglalaro para sa Pinas pero ayaw munang ilabas ni Mendogoria ang buong listahan para hindi sila masiolip at mapag-aralan ng kanilang mga makakalaban.

Bukod kay Didal, sigurdo nang magla-laro para sa bansa ang Filipino-Americans na sina Christiana Means at Jericho Francisco at may walo pang iba na hindi muna pinapangalanan ng SRSAP.

“We have 11 athletes who will compete including Margie, of course. Kapag okay na ‘yung line-up ng ibang countries, we will disclose the line-up for our team,” panapos niya. Josue, Jr.

vuukle comment

MARGIELYN DIDAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with