20 kabayo nagpalista na sa PHILRACOM Special Race
MANILA, Philippines — May mga naghayag na ng pagtakbo para sa Miyerkules na karera matapos i-anunsyo ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) na nakasulat sa likod ng programa ng karera.
umabot sa 20 kabayo ang nagpalista para sa PHILRACOM Special Race na No Bearing, No Effect na may distansyang 1,400 meters / SR 4.
Wala pang nakatokang hinete pero ang mga sasalang ay ang Magnolia Yana, Kentucky Rain, Havana Ohnana, Juanchenzo’s Run, San Rafael, Ambet Ko To, The Centurion, Dealmaker, Happy Maggie, Tagpuan, Multi Awardee, Irene’s Dream, Corazon, Anika’s Will, Kingdom, Nounpareil, Pendant, Hail Storm, Yes Kitty at Ace Up.
Panigurado naman na kahit saan ma grupo ang Magnolia Yana ay tiyak maliliyamado ito sa laban.
Sa Special Race 3 ay ang mga tigasing Magtotobetsky, My Dad Bogart, Iikot Lang, Refuse To Lose, Easy Landing, Belle Espirit, Be The One, To Its Si Bing, Sheer, Breaking News, Quensboro, Yes All Wee Bet, El Mundo, Bebang, Boni Avenue, Ginuhit Ng Tadhana, Creme Brule, Belle Royale, Mr. Bourbon, Mighty Pride at Lucky Julliane ang nagpahiwatig ng pagsali.
Bahagyang nakakaangat ang Bebang kaya inaasahang liyamado rin ito kahit sino ang makaharap.
Tiyak naman na papatukin ng mga karera tipsters ang Tit For tat at Garantisado sa Special Race 1 kapag nagawa na ang lineup, may 13 pang mga kabayo ang kasali pero hindi pa alam kung sino ang makakalaban.
Ang ibang kalahok na posibleng makaharap ng Tit For Tat at Garantisado ay ang GoldSmith, Gomper Girl, Batang Highlander, Sooner Time, Hot And Spicy, War Dancer, Already Feisty, Dinalupihan, Secret Affair, Hidden Light, Ava Natalia, Icon at Bossa Nova.
- Latest