^

PM Sports

Myla Pablo lalaro na sa 2nd round ng PVL

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Myla Pablo lalaro na sa 2nd round ng PVL

MANILA, Philippines – Siniguro ni Motolite ace spiker Myla Pablo na makakabalik siya sa second round ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference matapos ma-clear ang kanyang MRI.

Matatandaan na noong Linggo ay uminda ng metatarsal sprain si Pablo nang hindi naging maganda ang pag-landing nito mula sa pag-atake sa second set ng laro kontra sa PetroGazz Angels.

Siya mismo ang nagbigay ng magandang balitang ito kasabay ng panonood niya sa kanyang tropa na alpasan ang Banko Perlas Spikers, 25-16, 25-21, 19-25, 29-31, 19-17 noong Miyerkules.

“Sobrang puwersa ko rin nung bumwelo ako nung game namin. As in bumigay, lumabas ang buto ko pero naibalik naman,” kuwento ni Pablo. “Alam mo ‘yung feeling na kinabahan ka kasi akala ko injury na naman sa likod, sa tuhod. Pero thank God naman lahat ng MRI ko, clear lahat.”

Sinabi rin ng PVL two-time MVP na pagaling na siya at unti-unti na niyang nailalakad ang kanyang kanang paa pero kailangan niya pa ring magsaklay para hindi ito mabugbog nang husto.

“Kailangan ko magsaklay para mabilis gumaling kasi kung lakad ako nang lakad, mabubugbog,” dagdag niya.

Kakailanganin pang magpahinga ng isang linggo ng dating National University (NU) Lady Bulldogs standout para tuluyan siyang gumaling at makabalik sa laro.

Tatapusin naman ng Motolite ang Round 1 ng torneo kontra sa Choco Mucho Flying Titans bukas sa alas-2 ng hapon.

vuukle comment

MYLA PABLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with