^

PM Sports

San Beda muling magdodomina sa NCAA swimming competition

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya ng San Beda University ang kanilang pang-walong sunod na golden double sa paghataw ng 95th NCAA swimming championships nga­yon sa City of Sta. Rosa Multi Purpose Complex Swimming Pool sa Sta. Rosa City, Laguna.

Hangad ng SBU Sea Lions na masisid ang ka­nilang ika-18 sunod na men’s crown, habang target ng Lady Sea Lions ang pang-walong dikit na women’s title.

Sinagpang ng Sea Lions ang kanilang ika-21 overall championship noong nakaraang taon mula sa kinolektang 1,261.5 points para talunin ang perennial runner-up St. Benilde Blazers na may 587 points.

Tinalo naman ng Lady Sea Lions ang Lady Bla­zers para sa korona sa nahakot na 1,264 points kumpara sa 554.25 points ng huli.

Hinirang si John Henry Gurango ng San Beda bilang men’s season MVP at si Manuel Victor Pe­rez ng Jose Rizal University ang kumuha sa Record Breaker honors.

Ang women’s MVP award ay iginawad kay Chloe Medina ng Lady Sea Lions, habang si Mary Christine Llorente ng Lady Bombers ang tumanggap sa Record Breaker plum.

Sa juniors division, nabawi ng CSB-LSGH ang titulo sa likod ni season MVP Ted Laminta.

Humakot ang Greenies ng 689.25 points laban sa 665.5 points ng Junior Sea Lions.

Si Russell La Torre ng University of Perpetual Help System Dalta ang hinirang na Most Beme­dalled winner.

vuukle comment

NCAA

SWIMMING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with