Blue Eagles ‘team to beat’ sa Season 82
MANILA, Philippines — Para sa mga koponang sasabak sa nalalapit na UAAP Season 82 men’s basketball tournament, ang nagdedepensang Ateneo Blue Eagles pa rin ang pinakamahigpit nilang katunggali.
Sa ginanap na press conference kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ay namuro ang tropa mula Katipunan nang tanungin ang mga coaches kung sino para sa kanila ang ‘team to beat’ ngayong season.
Pero para kay Ateneo coach Tab Baldwin, ang Adamson Soaring Falcons ni mentor Franz Pumaren ang nakikita niyang magiging kontrapelo ng kanyang mga bata para sa korona.
“For us it’s pretty simple. it’s Adamson because they are the next thing. We tend not look beyond that and I don’t think there’s a lot of process to caught up trying to predict the top teams in November,” ani Baldwin sa Soaring Falcons.
Bukod sa Ateneo at Adamson ay magiging sagabal din sa iba ang UP Fighting Maroons, na target na muling makalusot sa Final Four ng torneo.
Matatandaang nagawang manggulat ng Soaring Falcons nang makalusot sa semifinal round ng nakaraang Season 81 bago sila nasibak ng Fighting Maroons papasok sa Finals matapos ang 36 na taon.
“All the other teams improved this year, so it’s gonna be an interesting for all of us this season 82,” sabi ni Tamaraws coach Olsen Racela.
Didribol ang torneo sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum na sisimulan ng laro ng UST at UE sa alas-10:30 ng umaga, sa alas-12:30 ng tanghali ang labanan ng FEU at UP at ang bakbakan naman ng Ateneo at Adamson ay sa alas-4 ng hapon.
- Latest