^

PM Sports

Pinaghahandaan na ang PHILRACOM Four-Year-Old & Above Open Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinahanda ng mga trainers ang kanilang mga malulupit na kabayo para sa ikakasang 2019 PHILRACOM “Four-Year-Old & Above Open Stakes Race” sa September 8 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Walong tigasing kaba­yo ang nominado sa nasabing karera na may distansyang 1,750 meters.

Nakalista ang Hitting Spree sa event na nakalaan ang P500,000 guaranteed prize kaya tiyak na isa ito sa markadong kabayo.

Galing sa panalo ang Hitting Spree nang angkinin nito ang korona sa 11th “Mayor Ramon D. Bagatsing Sr.” - Resorts World Manila (Challenge of Champions Cup) noong nakaraang Linggo sa parehong pista.

Ang iba pang nagha-yag ng pagsali ay ang Gomper Girl, Manalig Ka, Messi, Pangalusian Island, Sooner Time, Truly Ponti at 2018 3rd Leg Triple Crown ruler Victorious Colt. 

Hahamigin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P300,000, kukubrahin naman ng second placer   ang P112, 500 habang ma­pupunta sa third at fourth ang P62,500 at P25,000 ayon sa pagkakasunod.

Magbubulsa rin ng P15,000 ang breeder ng winning horse mula sa Philippine Racing Commission.

Impresibo ang huling takbo ng Hitting Spree, inirehistro nito ang 1:51 minuto sa 1,750 meter race upang manalo ng banderang tapos.

Samantala, ang bigat na papasanin ng mga kabayo ay ibabase sa kanilang mga nalikom na puntos sa kanilang panalo.

May 125 puntos ang Hitting Spree kaya kakargahin nito ang 58kg. sa paglarga ng karera. May kabigatan din ang dadalhin na timbang ng Pangalusian Island dahil nakalikom ito ng 105 points katumbas sa 56kg.

Nagtala ang Truly Ponti at Victorious Colt ng 95 at 94 puntos kaya bibitbitin nila ang bigat na 54kg at 53 ayon sa pagkakahilera habang tig-51 kgs. ang Gomper Girl, (83pts.), Manalig Ka, (83pts.) at Messi, (83pts.).

Pinakamagaang na dadalhin ang Sooner Time, (50kg.) na may nilistang 66 puntos.

vuukle comment

PHILRACOM FOUR-YEAR-OLD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with