^

PM Sports

Fort McKinley tumukod kay Tool Of Choice

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinalo sa photo fi-nish ng dehadong Tool of Choice ang liyamadong Fort Mckinley sa PHILRACOM Sponsored Charity Race kahapon sa Santa Ana sa Naic, Cavite. Sinunggaban ng Tool Of Choice ang una-han paglabas ng aparato pero dumikit agad ang Ava Jing Pot Pot sa backstretch. Nagbakbakan sa unahan ang Tool Of Choice at Ava Jing Pot Pot habang nanonood sa tersero ang Fort Mckinley na sinakyan ni class B rider Jericho Serrano. Pagsapit ng huling kurbada ay nasa segundo puwesto na ang Fort Mckinley at pilit na hinabol ang winning horse. Kumapit ang Fort Mckinley sa huling 150 meter ng karera para sabayan sa unahan ang Tool Of Choice na nirendahan ni apprentice jockey RM Adona. Nagpakitaan ng husay ang dalawang hinete sa pagdadala kaya panay kayog at hataw ng latigo ang ginawa nila sa kanilang mga sakay at pagtawid sa meta ay dineklara itong photo finish Matapos panoorin ng Board of Stewards sa video ang replay ay ibinigay sa Tool Of Choice ang panalo sa event na may distansyang 1,300 meter race. “Mabuti na lang at may lakas pa si Tool Of Choice sa rektahan kaya tuwing papaluin ko ay rumeres­ponde siya,” saad ni Adona. Nakopo ng may-ari ng Tool Of Choice ang karagdagang prem­yo na P10,000 mula sa Philippine Racing Commission. Terserong dumating ang Speak Easy, pang-apat ang Suberbia habang pang-lima ang Sweet Dreams. Samantala, banderang tapos din ang outstanding favorite na Greatwall sa PHILRACOM - RBHS Class 1 Merged na nilarga sa unang karera. Pagkakuha ng unahan sa largahan ay hindi na pinaporma ng Greatwall ang mga nakatunggali, dumiretso na ito sa finish line upang ibigay ang P30,000 na premyo sa kanyang connections.

vuukle comment

TOOL OF CHOICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with