^

PM Sports

PLDT inihulog ang F2 sa ikalawang kabiguan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinalo ng PLDT Home Fibr Power Hitters ang ikalawang sunod na panalo matapos pa­dapain ang F2 Logis­tics Cargo Movers, 25-21, 26-28, 15-25, 25-19, 15-11, sa Philippine Su­perliga All-Filipino Conference kahapon sa Cor­pus Christi Gymnasium sa Cagayan de Oro City.

Nagtala si Gretchel Sol­tones ng 21 puntos mu­la sa 19 attacks at da­lawang aces katuwang si Jerilli Malabanan na naging ‘spark plug’ ng tropa sa deciding set sa kanyang 21 marka.

Naramdaman din ang presensya nina vete­ran middle blocker Gen Casugod at skipper Aiko Urdas na tumapos na may 7 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

“Tuwang-tuwa ako sa laro nilang lahat. Si Jer­rili lalo na sa dulo. Masaya ako para sa team namin. Puwede na­man pala eh, bakit nga­yon na lang. Sana noon pa. Pero sige mayroon pa namang chance eh” sa­bi ni head coach Ro­ger Gorayeb. “Natutuwa naman ako papunta ako sa crossover na maganda laro namin.”

Sa unang set ay nag­pa­kitang-gilas na ang da­­lawang tropa  pero na­­gawang manggulat ng Po­wer Hitters nang ma­nakaw ang first set bago nakabawi ang Cargo Mo­­vers sa extended se­cond set para itabla sa 1-1 ang laban, 28-26.

Pansamantalang na­an­tala ang laro dahil sa sobrang init sa loob ng venue matapos magka­problema ang air-conditioning system nito.

Umabot din ng 30 mi­­nuto bago muling bu­malik sa ayos ang aircon sa venue at itinuloy ang laro.

Pagkabalik ng laro ay agad umalagwa ang Cargo Movers para tam­bakan ang Power Hitters at iposte ang 22-12 bentahe sa third set.

Pero nakasagot sa fourth set ang PLDT sa li­­kod ni Soltones para ipuwersa ang laro sa deciding set.

Naulit ang bangu­ngot ng F2 Logistics sa huling laro nito kontra sa Petron sa fifth set kung saan umararo ang PLDT para sa 13-9 bentahe bago ito tinapos ni Soltones. Fergus E. Josue, Jr.

 

vuukle comment

PLDT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with