^

PM Sports

Red Lions isusugal ang malinis na baraha sa pagsagupa sa Knights

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itataya ng San Beda Red Lions ang malinis na kartada sa pagharap sa mapanganib na Letran Knights sa Season 95 NCAA men’s basketball tour­nament sa Cuneta Astrodome.

Tangan ang malinis na 4-0 baraha, haharapin ng ‘three-peat’ champions na Red Lions ang pumapa­ngatlong Knights ngayong alas-2 ng hapon at su­sundan naman ng pagtatagpo ng nangulelat na Ma­pua Cardinals kontra sa Arellano Chiefs sa alas-4 ng hapon.

Sa juniors’ division, inaasahan din ang magandang laban ng SBU Red Cubs at Letran Squires sa alas-12 ng tanghali at ng Mapua Red Robins kontra sa Arellano Braves sa alas-6 ng gabi.

Isa sa tanging dalawang koponan ang Red Lions na hindi pa nakatikim ng pagkatalo.

Ang isa pa ay ang St. Benilde Blazers, kaya ha­ngad ni head coach Boyet Fernandez ang malaking panalo laban sa Intramuros-based Knights na ga­ling din sa limang sunod na ratsada.

Ang tanging kabiguan pa lamang ng Letran ni  coach Bonnie Tan ay laban sa Lyceum Pirates, 80-84, sa opening day noong Hulyo 7.

Ngunit simula noon ay rumatsada ng limang sunod na panalo ang Knights, ang huli ay kontra sa Car­dinals, 89-84, noong Hulyo 30.

Kung mabibigo ang Red Lions ay babagsak sila sa solo fourth spot, habang aangat ang Knights sa solo second spot sa likod ng St. Benilde Blazers.

Pero kung magwawagi ang San Beda ay muli nilang makukuha ang solong liderato at mahuhulog ang Letran sa solo fourth spot.

Sa ikatlong pagkakataon ay muling kinanse­la kahapon ng NCAA Management Committee (Mancom) ang nakatakdang apat na laro sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ito ay dahil sa masamang panahon.

Kabilang sa mga nakansela ang laban ng Bla­zers at Jose Rizal Heavy Bombers at ang sal­pukan ng San Sebastian Stags kontra sa Emilio Aguinaldo Generals pati na ang dalawang juniors ‘matches ng mga nasabing koponan.

“Manila and San Juan have suspended classes in all levels today. All games today are cancelled and shall be played on a date and time to be determined later,” pahayag ni Mancom chairman Peter Cayco ng host Arellano University.

 

vuukle comment

RED LIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with