^

PM Sports

Gilas magsasanay sa Spain

Pang-masa

MANILA, Philippines — Lilipad ngayon patungong Spain ang Gilas Pilipinas para ipagpatuloy ang training camp at makilahok sa isang mini-pocket tournament tatlong linggo bago ang kampanya sa 2019 FIBA World Cup.

Inaasahang makakasama ang 14 sa 19-man pool ni head coach Yeng Guiao sa Spain kung saan makakasagupa nila ang home team, Congo at Ivory Coast sa training camp na aarangkada hanggang Agosto 11.

Mangugunguna sa Gilas delegation sina natura­lized player Andray Blatche, JP Erram, Paul Lee, Mark Barroca, Matthew Wright, Kiefer Ravena at ro­okies Robert Bolick at CJ Perez.

Dahil sibak na kontensyon ng 2019 PBA Commis­sioner’s Cup ang Ginebra at Rain or Shine matapos matalo sa semifinals ay makakasama rin sa Spain trip ng Gilas sina Japeth Aguilar ng Gin Kings at Gabe Norwood at Beau Belga ng Elasto Painters.

Bunsod naman ng pagpasok ng TNT Katropa at San Miguel sa championship ng mid-season confe­rence ay hindi makakasama sa byahe sina Roger Po­goy at Troy Rosario ng Tropang Texters at sina Christian Standhardinger, June Mar Fajardo at Marcio Lassiter (injured) ng Beermen.

Sa Madrid ang unang destinasyon ng Natio­nals subalit didiretso sila sa Guadalajara para sa back-to-back tune-up games kontra sa Ivory Coast at Congo.

Matapos iyon ay tutungo sila sa Malaga para sa opisyal na pocket tournament kontra sa Congo.

Kung mananalo ay aabante ang Gilas sa isa pang laban kontra sa mananalo sa pagitan ng Ivory Coast at Spain.

vuukle comment

SPAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with