^

PM Sports

Mayweather naduduwag-- Roach

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umuurong ang buntot ni undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. kaya’t ayaw nitong kagatin ang rematch laban kay reigning World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Manny Pacquiao.

Ito ang pananaw ni American trainer Freddie Roach dahil personal na nakita ni Mayweather kung paano pinulbos ni Pacquiao si Keith Thurman noong nakaraang linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Napansin ni Roach na tahimik si Mayweather sa buong panahon ng Pacquiao-Thurman fight na tila namangha sa naging performance ng Pinoy champion.

“Mayweather seems to be a little evasive. He was real quiet. He didn’t stay at the fight after the decision was announced and call anyone out like he usually does. I think Manny scared him a little with that performance. Money has nothing to do with it,” ani Roach sa panayam ng Fox Sports.

Nauna nang inihayag ni Pacquiao na bukas na bukas ang pintuan nito sa rematch kay Mayweather.

Ayon kay Roach, magandang pagkakataon ang rematch bago tuluyang isara ni Pacquiao ang kanyang maningning na boxing career at magretiro na.

“I told Manny, ‘if we fight this guy [Mayweather] one more time, beat him, and then retire,” aniya.

Ngunit walang interes si Mayweather sa rematch, ayon sa kaniyang kampo.

Malinaw umanong tinalo ni Mayweather si Pacquiao sa kanilang unang paghaharap noong 2015.

Dinahilan ni Pacquiao na mayroon itong iniindang shoulder injury bago ang laban – bagay na tinawag ni Mayweather na palusot sa pagkatalo nito.

Ipinagmalaki ni Roach na ibang Pacquiao ang makakasagupa ni Mayweather sakaling matuloy ang laban.

Isang mas mabagsik at mas panganib na Pacquiao na tila isang 20-anyos na fighter na nasa kasagsagan ng kanyang boxing career.

“Pacquiao is much better fighter now than ever. The injury is all better now, and Manny is getting back to where he once was,” ani Roach.

vuukle comment

MAYWEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with