^

PM Sports

Thurman titimbuwang sa 9th round -- Roach

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Babagsak si Keith Thurman sa ninth round.

Ito ang prediksyon ni Hall of Famer Freddie Roach ilang linggo ba­go ang nakatakdang sal­pu­kan nina Thurman at reigning World Bo­xing As­sociation regular wel­ter­weight king Manny Pac­­quiao sa Hulyo 21 (Ma­­nila time) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Bihirang magbigay ng pre-fight prediction si Roach.

Ngunit sa pagkakataong ito ay kumpiyansa ang American trainer na ma­­papatumba ni Pacquiao si Thurman base na rin sa magandang kondis­yon ng Pinoy champion.

“I think Manny’s going knock him out about the ninth round,” wika ni Roach. “This is the best camp we could’ve had. Our goal was to train Manny to win and I believe we’d done that.  Manny will win, I have no doubt about that.”

Sasampa na si Pacquiao sa huling bahagi ng kanyang paghahanda.

Bukas ay nakatakdang tumulak mula Los Angeles ang Team Pacquiao pa­­tungong Las Vegas pa­ra doon ipagpatuloy ang pre­parasyon.

Tapos na ang mabibigat na ensayo ni Pacquiao.

Ilang running session, mitts at heavy bag na lang ang ginagawa niya.

Kagaya ng dati, nag­pa­hinga si Pacquiao ng isang araw upang mabigyan ng pagkakataon ang kanyang katawan na makarekober.

Masaya si chief trai­ner Buboy Fernandez sa kinalabasan ng kanilang training camp.

Nasa perpektong kon­disyon na si Pacquiao.

Kailangan na lang na mapanatili o mahigitan pa ito hanggang sa araw ng laban.

“We just have to maintain his perfect con­di­tion. Nandoon na lahat,” wika ni Fernandez.

Kumbinsido naman si strength and conditioning expert Justin Fortune na “mission accomplished” ang coaching staff.

“What we did were mere finishing touches of we’d already accomplished as early as three weeks ago. Manny’s sharp, fast and strong as ever,” ani Fortune.

 

vuukle comment

THURMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with