^

PM Sports

Gilas hinihintay na lang si Blatche

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas hinihintay na lang si Blatche

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagha-handa ng Gilas Pilipinas habang hinihintay ang pagdating ng natura-lized player na si Andray Blatche bago sila tumodo sa training camp, lagpas isang buwan nalang bago ang napipintong kampanya sa 2019 FIBA World Cup.

Ngayong Linggo inaasahang darating ang pambatong si Blatche upang samahan ang koponan sa final buildup nito sa world basketball meet na aarangkada sa Foshan, China mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

Habang wala pa si Blatche, nagpatuloy sa twice-a-week training ang Nationals kamakalawa ng gabi sa Meralco Gym na pansamantalang pinangunahan ni assistant coach Caloy Garcia.

Hindi nakadalo sa ensayo sa unang pagkaka-taon si chief mentor Yeng Guiao dahil sa pagdiriwang ng kanyang mother PBA team na NLEX para sa kaarawan ng MVP Group big boss na si Manny. V. Pangilinan.

Bagama’t wala si Guiao, halos kumpleto ang attendance ng Gilas sa pangunguna ng mga beteranong sina Gabe Norwood, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, JP Erram, Troy Rosario, RR Pogoy, Mark Barroca at Paul Lee na hindi napigil ng natamong ankle injury sa laban ng Magnolia kamakalawa.

Nasa ensayo rin ang mga bagong Gilas training pool members na sina Matthew Wright at Kiefer Ravena gayundin ang dalawang rookies na sina Robert Bolick at CJ Perez.

Tanging si Marcio Lassiter lang ang wala sa naturang training ng Gilas kamakalawa.

Dahil sa idinaraos pang 2019 PBA Commissioner’s Cup, makukontento muna sa twice-a-week training ang Gilas bago sumabak sa arawang ensayo pagkatapos ng mid-season conference sa Agosto.

Bahagi ng full swing na training ng Gilas sa Agosto ang training camp at pocket tournament sa Spain mula Agosto 4 hanggang 11 kung saan makakalaban nila ang Spain, Congo at Cote D’Ivoire.

Bago naman lumipad pa-China, sasalang ulit sa krusyal na scrimmage ang Gilas kontra naman sa Australian club team na Adelaide 36ers sa Agosto 23 at Agosto 25.

Sa World Cup proper ay mapapalaban ang Gilas kontra sa bigating Serbia, Italy at Angola sa Pool C kung saan sila hahangad ng dalawang panalo upang makaabante sa susunod na round.

 

vuukle comment

BLATCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with