^

PM Sports

San Juan iginupo ang Bacolod

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagpasabog si guard John Wilson ng 22 points para tulungan ang reigning champion San Juan Knights sa 95-71 paggupo sa expansion team na Bacolod sa MPBL Lakan Season noong Miyerkules ng gabi sa Olivarez College Gym.

Nagdagdag si Jhonard Clarito ng 16 markers para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Knights at solohin ang liderato ng torneo.

“I just told the players, kailangan business as usual pa rin kami. Iyong mga teams naglakasan ngayon. Whether we are facing an A-grade team or a marginal team, dapat parehas lang ang level ng intensity of play namin,” wika ni San Juan coach Randy Alcantara.

Nagbalik naman sa winning track ang Iloilo Uni-ted Royals at Parañaque Patriots matapos talunin ang kani-kanilang karibal.

Naisuko man ng United Royals ang 19-point lead ay nagawa pa rin nilang maitakas ang 92-90 panalo laban sa Nueva Ecija-MiGuards.

Ito ang ikatlong panalo ng Iloilo sa apat na laro.

“Yes, a win is a win, but I’m not satisfied,” ani head coach Eric Gonzales. “Feeling ko ‘yung mga players ko parang nagta-tryout kasi nagpapasiklab eh.”

Sumandal naman ang Patriots kina Jemal Vizcarra at Popoy Banzali para biguin ang Navotas Clutch, 82-71.

Nagbida si Vizcarra sa fourth period para igiya ang Parañaque sa kanilang ikalawang panalo sa limang laban.

Ito naman ang pangalawang pagkatalo ng Navotas sa tatlong asignatura.

 

vuukle comment

BACOLOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with