Jawo mag-a-award sa champion ng Ginebra 3x3 Tapang ng Tatluhan
MANILA, Philippines – Mismong si Barangay Ginebra legend Robert Jaworski, Sr. ang mag-a-award sa kampeon ng Ginebra 3x3 Tapang ng Tatluhan basketball tournament sa darating na Linggo sa Araneta Coliseum.
Ang mananalo sa naturang torneo ay makakakuha ng cash prize na P250,000 at tropeo.
Ang Ginebra 3x3 Tapang ng Tatluhan ang kauna-unahang nationwide grassroots basketball program ng Ginebra San Miguel at ng Philippine Basketball Association (PBA) para humanap ng basketball talents sa buong bansa. Mahalaga ang torneong ito dahil ang 3x3 event ay kasama na sa 2020 Olympics.
Labing-anim na teams mula sa Manila, Cebu, Davao, Caloocan, Quezon, Iloilo, Bulacan, Cagayan de Oro, Tarlac, Cavite, Samar, Rizal, Pangasinan, Batangas, Bataan at Pampanga ang maglalaban-laban sa national finals ngayon sa Robinsons Place Manila.
Ang top two teams ang papasok sa championship round.
Maliban sa 3x3 tournament, magkakaroon din ng slam dunk competition at 3-point shoot-out sa National Finals.
Bawat kampeon ay magkakaroon ng P10,000 cash prize at trophy.
Magkakaroon din ng meet and greet sa exhibit area kung saan makakasalamuha ng mga fans sina players Stanley Pringle, LA Tenorio and Mark Caguioa. Makikita rin ang iba’t ibang jersey ng team.
Para sa iba pang impormasyon, pumunta lamang sa Ginebra San Miguel official Facebook page www.facebook.com/barangayginebra o website www.ginebra.com.ph.
- Latest