^

PM Sports

Suwerte nina Biado at De Luna tinapos ng Austrian duo sa finals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naputol ang matikas na ratsada nina Carlo Bi­ado at Jeff De Luna para magkasya sa runner-up trophy sa prestihiyosong 2019 World Cup of Pool na ginanap sa Morningside Arena sa Leicester.

Lumasap sina Biado at De Luna ng 3-11 ka­biguan kina Albin Ouschan at Mario He ng Austria sa final round pa­­­ra makuntento sa kon­­solasyong $30,000.

Napasakamay nina Ouschan at He ang tu­ma­taginting na prem­yong $60,000.

Gitgitan ang simula ng laban nang magsa­litan ang Pilipinas at Austria sa unang apat na racks para sa 2-2 pagtatabla.

Sinamantala naman nina Ouschan at He ang ilang krusyal na mintis nina Biado at De Luna para unti-unting ma­kala­yo sa 6-2.

Nagawang makalapit ng Pilipinas sa 3-6 ma­tapos ang 5-9 combo ni Biado sa ninth rack.

Subalit muling umarangkada sina Ouschan at He sa mga sumunod na racks nang irehistro ang 5-0 run para tulu­yang makuha ang pana­lo.

Nakapasok sa finals si­na Biado at De Luna matapos payukuin sina Marc Birjstenbosch at Niels Feijen ng Nether­lands sa semifinals (9-6), habang namayani na­man sina Ouschan at He sa hiwalay na semis game laban kina David Alcaide at Francisco San­chez-Ruiz ng Spain sa pamamagitan ng 9-3 de­molisyon.

Kabilang din sa mga biniktima nina Biado at De Luna sina Roman Hybler at Michal Ga­ven?iak ng Czech Republic sa first round (7-6), Klenti Kaci at Besar Spahiu ng Albania sa second round (7-5) at Fi­lipino-Canadian Alex Pagulayan at Canadian Jo­shua Filler sa quarterfinals (9-5).

vuukle comment

2019 WORLD CUP OF POOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with