^

PM Sports

NorthPort nalo pa rin kahit kulang sa players

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — No Stanley Pringle, no problem.

Iyan ang pinatunayan ng kulang-kulang na NorthPort sa unang laro nito na wala na ang pambatong si Pringle matapos takasan ang Rain or Shine sa overtime, 107-105, sa umiinit na 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Nagparada lang ng walong manla-laro, hindi pa rin ito naging problema para sa Batang Pier na binura ang 25 puntos na pagkakaiwan sa third quarter upang masiguro pa rin ang panalo.

Sa katunayan, lubog pa sa walong puntos, 91-99 ang Northport bago magpakawala ng 9-1 ratsada na tinuldukan ng tres ni Robert Bolick sa huling 11 segundo upang maitabla ang laban sa 100-all at makapuwersa ng overtime kung saan tuluyan na silang umeskapo.

Nagtala ng career high na 34 puntos, 11 rebounds at dalawang steals si Mo Tautuaa upang trangkuhan ang atake ng undermanned na Batang Pier.

Umiskor naman ng 22 puntos si Bolick habang may 16 at 14 puntos din sina Garvo Lanete at Sean Anthony ayon sa pagkakasunod, para sa Northport na umangat sa 6-1 baraha upang makatabla ang Talk ‘N Text sa tuktok ng Commissioner’s Cup standings.

Bagama’t nagkasya lang sa siyam na puntos, nagbaba naman ng 21 rebounds at tatlong supalpal ang import na si Prince Ibeh habang solido rin ang tulong ng ibang naglaro na sina Paolo Taha, Ryan Arana at Joseph Gabayni.

Kulang-kulang ang koponan ng NorthPort dahil sa injuries nina Nico Elorde, Jonathan Grey at Lervin Flores habang hindi pa nakalaro ang mga bagong players na sina Kevin Ferrer, Jervy Cruz at Sol Mercado.

Magugunitang kamakalawa lang ay tinulak ng NorthPort patungong Ginebra ang star player nitong si Pringle kapalit nga ang tatlong players na sina Ferrer, Cruz at Mercado.

May tsansa pa sana ang ROS na maagaw muli ang laro nang sumablay ang apat na sunod na free throws ni Ibeh sa huling anim na segundo su-balit bigong makatawag ng timeout si Bowles na desperadong nagbato ng tres sa buzzer tungo sa kabiguan.

Dahil dito ay nauwi sa wala ang 41 puntos, 21 rebounds at anim na assists ni Bowles gayundin ang 16 at 12 puntos nina Javee Mocon at Ed Daquioag para sa Elasto Painters.

Napatid ngayon ang two-game winning streak ng Rain or Shine na nalag-lag sa 2-3 baraha.

vuukle comment

STANLEY PRINGLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with