^

PM Sports

Buwenamanong panalo para sa F2 Logistics

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ng F2 Logistics ang kampanya nito matapos ilampaso ang Generika-Ayala sa bendisyon ng 25-12, 25-21, 25-17 demolisyon para hablutin ang unang panalo sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Mainit ang palad ni middle hitter Aby Maraño na bumanat ng 15 puntos mula sa siyam na attacks, limang blocks at isang aces para dalhin ang Cargo Movers sa maagang liderato hawak ang 1-0 marka.

Naramdaman din ang puwersa ni outside spiker Ara Galang na nagsumite ng 11 hits  at 11 digs samantalang nagdagdag sina Majoy Baron at Desiree Cheng ng tig-walong puntos para sa F2 Logistics.

“Dito namin mate-test kung ano na ‘yung na-practice namin for the past few weeks. Medyo kapaan pa sa kalaban dahil ngayon lang ulit kami nagkita ng Generika. Nag-focus lang kami sa kung ano ang kaya na-ming gawin,” ani Galang.

Maganda ang pagbabalik ni Kim Kianna Dy na agad na nagtala ng pitong puntos.

Nakakuha ng 39 puntos ang Cargo Movers sa attacks, mas marami ng siyam kumpara sa Lifesavers.

Nagawa ito ng Cargo Movers dahil sa impresibong setting skills ni Michelle Cobb na may 14 excellent sets.

Naramdaman ng hus-to ang F2 Logistics sa net defense matapos makakuha ng 11-0 edge sa blocking department.

Hindi pa nasilayan sa aksiyon si Filipino-Ame-rican Kalei Mau na ilang araw pa lamang nagsasanay kasama ang Cargo Movers.

Ayon kay F2 Logistics team manager Hollie Reyes na nasa adjustment period pa si Mau ngunit inaasahang maglalaro na ito suot ang yellow jersey sa mga susunod na laro ng Cargo Movers..

vuukle comment

F2 LOGISTICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with