^

PM Sports

Maagang darating si Blatche

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Maagang darating si Blatche
Andray Blatche

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng mas mahabang paghahanda ang kumpletong Gilas Pilipinas para sa papara-ting na 2019 FIBA World Cup sa Shenzhen, China ngayong Agosto.

Ito ay dahil sa inaasa-hang pagdating ng naturalized player na si Andray Blatche sa bansa sa Hulyo 8 kung kailan nasa kaigtingan na ng pagsasanay ang Nationals.

Umaasa ang Gilas na nasa kundisyon si Blatche upang maulit nito ang maganda niyang performance sa huling window ng Asian Qualifiers kung saan nagrehistro siya ng 29.0 puntos, 14.0 rebounds at 5.0 assists kabilang na ang pambihirang 41 puntos sa World Cup-clinching 93-75 na panalo nila kontra sa Kazakhstan sa Astana na nagpapasok sa bansa sa World Cup.

Ang maagang pagda-ting ni Blatche ay magbibigay sa Nationals ng halos dalawang buwang paghahanda bago ang world championship sa Shenzhen Cultural Center na nakatakda sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

Kabilang sa pagha-handang ito ang training camp mula sa Agosto 4-11 sa Spain kung saan lalahok din ang Pinas sa pocket tournament kontra sa Spain national team gayundin sa Congo at Cote d’Ivoire ng Africa.

Inanunsyo ng koponan ang inaasahang pagdating ni Blatche kamakalawa matapos silang ipatawag ni head coach Yeng Guiao sa unang pagkakataon nang magwakas  ang FIBA World Cup Asian Qualifiers noong Marso.

Dinaluhan ng halos lahat ng original pool members ang pagpupulong sa  pangunguna nina Jayson Castro, June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Troy Rosario, Roger Pogoy, Paul Lee, Mark Barroca, JP Erram at Raymond Almazan.

Tanging sina Scottie Thompson at Japeth Aguilar lamang ang wala sa unang araw ng pagsasama ulit ng Gilas bago simulan ang opisyal na training camp sa Lunes sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig City.

Habang wala pa si Blatche ay magkakaroon ng twice-a-week training ang Gilas tuwing Lunes at Huwebes kung kailan walang laro sa idinaraos na PBA Commissioner’s Cup.

Nasa bigating Group D ang Gilas sa World Cup kasama ang 2016 Rio Olympics silver medalist na Serbia,  Italy at Angola.

vuukle comment

BLATCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with