^

PM Sports

Aces diretso sa tatlong sunod

Russell Cadayona - Pang-masa
Aces diretso sa tatlong sunod
Sinupalpal nina Chris Newsome at Gani Lawal ng Meralco ang tirada ni Alaska import Chris Da­niels.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Hindi man impresibo ang kanilang import ay na­idiretso pa rin ng Alaska ang kanilang ratsada sa tatlo.

Nagsalpak sina Chris Banchero at Simon Enciso ng magkasunod na drive sa huling dalawang minuto ng final canto pa­ra tulungan ang Aces na makatakas laban sa Me­ralco Bolts, 93-89, sa 2019 PBA Commissio­ner’s Cup kahapon sa Yna­res Cen­ter sa Antipo­lo City.

“We’re going in the right direction right now. We wanna continue to play well and we have tough teams to play,” ani Banchero na tumapos na may 23 points, 9 rebounds at 4 assists para sa 4-2 record ng Alaska.

Nabigo ang Me­ralco sa ha­ngad na ikat­long sunod na panalo.

Nagdagdag si Vic Ma­nuel ng 17 markers para sa Aces kasunod ang 12 at 10 points nina import Chris Daniels at Jeron Teng, ayon sa pagkakasu­nod.

Pinamunuan naman ni reinforcement Gani La­wal ang Bolts mula sa kanyang 27 points, 26 rebounds at 2 assists, habang may 11 markers si guard Baser Amer.

Mula sa dikitang first half, 44-42, ay naitayo ng Alaska ang 13-point lead, 68-55, mula sa drive at dalawang free throws ni Manuel sa huling 2:37 minuto ng third period.

Sa pangunguna ni Lawal ay nagawa ng Meralco na makadikit sa 89-92 agwat sa natitirang 56.8 segundo.

Ang mintis ni Nico Salva sa posesyon ng Bolts ang nagresulta sa split ni Enciso sa huling 24.7 segundo para selyuhan ang panalo ng Aces.

 

vuukle comment

ACES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with