^

PM Sports

Almazan ibibigay ng Rain or Shine sa Meralco

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maaaring sa darating na 2019 PBA Commissioner’s Cup ay ibang uniporme na ang isuot ni six-year slotman Raymond Almazan.

Ito ay dahil plano siyang dalhin ng Rain or Shine sa Meralco kapalit ng dalawang first-round draft picks sa 2020 at 2021.

Nakita lamang ang 6-foot-9 na si Almazan sa anim na laro ng Elasto Painters sa 2019 PBA Philippine Cup dahil sa kanyang injury.

Nagposte si Almazan, ang No. 3 overall pick noong 2013 PBA Rookie Draft sa likod nina No. 1 Greg Slaughter ng Ginebra at No. 2 Ian Sangalang ng Magnolia, ng mga averages na  8.0 points, 6.0 rebounds at 2.17 blocks per game.

Inaasahang magbibigay ng desisyon si PBA Commissioner Willie Marcial ngayong araw tungkol sa naturang kasunduan ng Rain or Shine at Meralco.

Sakaling aprubahan ang nasabing trade ay makakasama ni Almazan sa baku­ran ng Bolts ang dating teammate niya sa Gilas Pilipinas na si Ranidel De Ocampo bukod pa kina Chris Newsome at Cliff Hodge.

Nagkaroon ng sigalot sina Almazan at Elasto Painters’ head coach Caloy Garcia dahil sa hindi pagsipot ng dating sentro ng Letran Knights sa NCAA sa ka­nilang mga itinakdang ensayo.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with