^

PM Sports

Magnolia kukunin ang PBA title sa Game Six

Russell Cadayona - Pang-masa

San Miguel magpipilit namang makahirit ng ‘do-or-die’

MANILA, Philippines — Kagaya ng mga iskor sa kanilang championship series, kung malili­mitahan ng Magnolia sa mababa sa 100 points ang nagdedepensang San Miguel ay malaki ang tsansa nilang manalo.

Ito ang muling gagawin ng Hotshots laban sa Beermen sa krusyal na Game Six ng 2019 PBA Philippine Cup Finals ngayong alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Co­liseum.

“If we limit them to a hundred points, we have a good chance to win. If they scored 100 points, they have a good chance to win,” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero sa San Miguel.

Ang buzzer-beating jumper ni guard Mark Barroca sa pagtunog ng final buzzer ang nagtakas sa 88-86 panalo ng Hotshots sa Game Five para kunin ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven title wars ng Beermen.

Humakot si Barroca ng 22 points, 5 rebounds at 5 assists para sa Magnolia, hangad ang pang-pitong All-Filipino Cup crown at ika-15 sa kabu­uan.

Ang matibay na de­pen­sa ng Hotshots ang pumuwersa sa Beermen sa masamang 28-of-94 fieldgoal shooting bukod sa naimintis na 10 free throws.

Nakahugot ang San Miguel, pakay ang pang-limang sunod nilang All-Filipino title at ika-25 sa kabuuan, ng 21 points at 22 rebounds mula kay five-time PBA MVP June Mar Fajardo, habang may 20 markers si Marcio Lassiter.

Samantala, nakatakda namang kausapin ni PBA Commissioner Willie Marcial sina Ronald Tubid at Kelly Nabong ng Beermen ukol sa sinasa­bing pananakit nila kay ‘Spiderman’ sa Game Five.

Hinabol ni Tubid ang nasabing streaker na si Paolo Felizarta at nagbigay ng isang suntok.

Ang sinasabing kasama ni Felizarta mu­la sa stands ang sinaktan ni Na­bong.

vuukle comment

MAGNOLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with