Labanang sister teams sa finals
MANILA, Philippines — Ang Magnolia ang maghahamon sa nagdedepensang San Miguel para sa korona ng 2019 PBA Philippine Cup.
Ito ay matapos buma-ngon ang Hotshots mula sa 17-point deficit para sibakin ang Rain or Shine Elasto Painters sa overtime, 63-60 sa Game Seven ng kanilang semifinals series kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.
“It just boils down to who wants it more. And I think you know who wants it more,” wika ni 11-time champion center Rafi Reavis na kumolekta ng 19 rebounds at 7 points para sa Magnolia, hahamunin ang San Miguel sa best-of-seven championship series.
Ito ang pang-30 finals appearance ng Hotshots at hangad ang ika-15 titulo.
Nakatakda ang Game One ng kanilang best-of-seven title showdown ng Beermen sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
Kinuha ng Rain or Shine ang 27-21 bentahe sa halftime hanggang iposte ang 17-point lead, 39-22, sa 9:14 minuto sa third period.
Isang 24-7 bomba ang inihulog ng Magnolia para itabla ang labanan sa 46-46 sa 8:45 minuto ng fourth quarter papunta sa extra period, 55-55.
Nagtuwang sina Ian Sangalang at Paul Lee para sa 59-55 abante ng Hotshots bago nakalapit ang Elasto Painters sa 60-61 agwat sa natitirang 1:11 minuto ng extra period.
Kumonekta sina Reavis at Sangalang ng dalawang magkahiwalay na free throw sa natitirang 1.3 segundo para selyuhan ang panalo.
- Latest