^

PM Sports

Rain Or Shine ipinuwersa ang game 7

Russell Cadayona - Pang-masa
Rain Or Shine  ipinuwersa  ang game 7
Si Beau Belga ng Rain or Shine laban kina Rafi Reavis at Mark Barroca ng Magnolia sa Game 6 ng PBA Philippine Cup Finals kagabi.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Sa pinakamahalagang bahagi ng laro ay hindi natakot si Rey Nambatac na magpakawala ng krusyal na three-point shots.

Nagsalpak si Nambatac ng apat na triples sa fourth quarter para igiya ang Rain or Shine sa 91-81 panalo laban sa Magnolia sa Game Six at itabla ang kanilang semifinals wars sa 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tumapos ang dating kamador ng Letran Knights sa NCAA na may 16 points para itabla ang Elasto Painters sa 3-3 sa kanilang best-of-seven semis series ng Hotshots.

“All out na kami sa Game Seven. Wala nang atrasan ito,” sabi ni Nambatac.

Pag-aagawan ng Rain or Shine at Magnolia ang tiket sa PBA Finals sa Game Seven bukas sa MOA Arena sa Pasay City.

Ang magwawagi ang makikipagtuos sa nagdedepensang San Miguel, sinibak ang Phoenix, 4-1, sa kanilang semis duel, para sa best-of-seven title showdown na magsisimula sa Mayo 1 sa Smart Araneta Coliseum.

Walang nakapagtayo ng double-digit lead mula sa first period hanggang sa third quarter bago magsalpak si Rey Nambatac ng apat na three-point shot sa final canto para ibigay sa Elasto Painters ang 12-point advantage, 83-71, sa huling 3:56 minuto nito.

Ilang beses nagpilit makalapit ang Magnolia sa likod ng dalawang tres nina Paul Lee at Ian Sangalang, ngunit umiskor si two-time PBA MVP James Yap na muling naglayo sa Rain or Shine sa 90-79 sa nalalabing 58.6 segundo.

Samantala, ito ang unang pagkakataon na magla-laro si scoring guard Terrence Romeo sa PBA Finals sa kanyang anim na taon sa liga.

Kumamada si Romeo ng average na 13.0 points mula sa 35 percent shooting sa pagsibak ng nagdedepensang San Miguel sa Phoenix sa kanilang best-of-seven semifinals series sa 2019 PBA Philippine Cup.

Ang nasabing mga numero ang inaasahang maibibigay muli ni Romeo para sa Beermen sa PBA Finals na magsisimula sa Mayo 1.

“Puwede naming ibigay sa kanya one time ang laban at kaya niyang ipanalo,” wika ni one-time PBA Most Valuable Player Arwind Santos kay Romeo, pareho niyang naging kamador para sa Far Eastern University Tamaraws sa UAAP.

vuukle comment

ROMEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with