^

PM Sports

Ready Player may ilalabas pa

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagwagi ang kaba­yong Ready Player sa trial race ng PCSO Special Maiden Race (3YO Open) na pinasibat sa Metro Turf Club Inc. sa Malvar, Batangas noong Biyernes ng hapon.

Pero pagkatapos ng takbuhan ay sari-saring komento at usapan ang mga kareristang nakapanood.

Dahil hindi pa tunay na laban, marami ang nagsabing tinatago pa ng ibang kalahok ang kanilang tunay na pruweba sa 1,400 meter race.

Komento ng iba, nakaawat pa ang bumanderang War Commander at hindi na pinatulan si Ready Player nang lumampas sa kanya.

“Silip ko si War Commander kasi nakaawat pa habang si Ready Player ay kumakayog na,” kuwento ni Albert Morales nakapanood ng trial race.

Ipinagtanggol naman ng ibang karerista si Ready Player at ayon sa kanila kahit kumakayog ay may ilalabas pa itong lakas kaya mananatili ito sa unahan kung aarangkada ang mga nasa likuran.

Dumating na segundo ang My Lovely Yana habang tersero ang War Commander.

Ilalarga ang opisyal na race sa April 27 sa parehong lugar kung saan ay nakalaan ang P800,000 na premyo para sa unang kaba­yong tatawid sa meta.

Tatanggap naman ng P250,000 ang second placer habang P150,000 ang iuuwi ng pangatlong kabayong tatawid sa finish line. 

Kakabig din ang winning breeder ng P75,000.

Bukod sa tatlong kabayong nabanggit, ang ibang kasali ay ang The Believer, Senorita Mariz, Rhea’s Choice, Weather Lang, pumang-apat na Sir Joaquin, Ava’s Tale at Santiago’s Pride.

vuukle comment

READY PLAYER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with