^

PM Sports

Lady Maroons sinilat ang DLSU

Chris Co - Pang-masa
Lady Maroons sinilat ang DLSU
Huling-huli ni Tin Tiamzon ng La Salle ang spike ni Isa Molde ng UP.
PM photo ni Joven Cagande

MANILA, Philippines — Muling ginulantang ng University of the Philippines ang reigning champion De La Salle University, 25-16, 26-24, 25-19 upang maipuwersa ang four-way tie sa No. 2 spot sa  UAAP Season 81 women’s volleyball kahapon sa Ynares Sports Arena sa Antipolo.

Nasandalan ng Lady Maroons si opposite hitter Diana Mae Carlos na tumipa ng 13 hits katuwang si dating Rookie of the Year awardee Isa Molde na nagbigay ng importanteng puntos kabilang ang game-winning off-the-block hit sa third set.

Dahil dito, magkakasama na sa ikalawang puwesto ang UP, La Salle, University of Santo Tomas at Far Eastern University hawak ang magkakatulad na 5-3 marka sa ilalim ng nangungunang Ateneo de Manila University (7-1).

Halos pantay ang laban kung saan lamang ang La Salle sa attacks (28-26), habang nakakuha ng 8-5 edge ang UP sa blocks at 5-3 advantage sa aces.

Ngunit malaking diperensiya ang errors dahil sa nagawang 37 mintis ng Lady Spi­kers – malayo sa 23 errors ng Lady Maroons.

Winalis ng Lady Maroons ang Lady Spikers sa eliminasyon matapos kunin ang 21-25, 25-20, 25-21, 20-25, 15-12 panalo sa first round noong Marso 2.

Sa unang laro, nalusutan ng FEU ang matikas na hamon ng Adamson Uni­versity, 30-32, 25-20, 23-25, 25-20, 15-13, upang makabalik sa porma.

Nagawang makatakas ng Lady Tamaraws sa kabila ng pagkawala nina vete-ran middle hitter Jeanette Villareal at rookie opposite spiker Lycha Ebon na nagtamo ng injury.

Sa men’s division, bu­mawi ang De La Salle Uni­versity sa University of Santo Tomas, 27-25, 25-22, 22-25, 25-23, habang tinalo ng UP matapos igupo ang University of the East, 25-20, 22-25, 25-20, 19-25, 15-11.

Parehong may 3-5 ang Green Spikers at Growling Tigers, habang ang UP ay 1-7.

vuukle comment

LADY MAROONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with