^

PM Sports

Imus, Zamboanga nakaiwas sa sweep

Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniwasan ng Imus at Zamboanga na mawalis sa kani-kanilang quarterfinals series sa MPBL Datu Cup matapos magposte ng magkahiwalay na panalo kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa Sports Complex.

Pinasadsad ng Bandera ang Batangas City Athletics, 75-69 na tinampukan ng limang free throws ni James Castro sa huling 22 segundo para matakasan ang inaugural staging champions.

Pipilitin ng Imus na kumpletuhin ang pagsorpresa sa Batangas sa kanilang muling pagtutuos sa Lunes sa alas-9 ng gabi matapos ang laro ng Muntinlupa at Zamboanga. Pinatumba naman ng Zamboanga ang host Muntinlupa, 84-73.

Nagbida si Harold Arboleda para sa panalo ng Zamboanga sa hinakot na 17 rebounds, 13 assists at 5 points.

“Masarap manalo kapag home court ng kalaban, siguro yun ang pinaka- motivation namin,” sabi ni Arboleda. “Kapag nagawa namin yan, parehas na ulit ang laban dahil mawawala na yung home court advantage.”

Humataw si Reed Juntilla ng 26 markers para pangunahan ang Zamboanga kasunod ang 23 at 11 points nina Robin Roño at Ivan Villanueva, ayon sa pagkakasunod.

Lalabanan uli ng Zamboanga ang Muntinlupa sa Lunes sa Batangas City.

 

vuukle comment

ZAMBOANGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with