^

PM Sports

Phoenix nalusutan ang SMBeeR

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na hinaayan ng Phoenix na makawala pa sa kanila ang pagkakataon.

Nagpaputok si Matthew Wright ng 25 points para tulungan ang Fuel Masters na lusutan ang nagdedepensang San Miguel Beermen, 96-93 at angkinin ang No. 1 spot sa quarterfinal round ng 2019 PBA Philippine Cup na dumayo kahapon sa Panabo Multi-Purpose Tourism, Sports and Cultural Center sa Panabo City, Davao.

Bitbit ng Phoenix, tinapos ang eliminasyon sa 9-2 record, ang ‘twice-to-beat’ incentive sa eight-team quarterfinals.

Nadiskaril naman ang hangad ng San Miguel na maidiretso sa lima ang kanilang winning streak para sa 6-4 baraha sa ikaapat na silya.

Nagtayo ang Fuel Masters ng 14-point lead, 33-19, mula sa dalawang free throws ni Alex Mallari sa huling 9.0 segundo ng first period bago nakadikit ang Beermen sa 93-95 agwat galing sa three-pooit shot ni Arwind Santos sa nalalabing 28.6 segundo sa fourth quarter.

Ang split ni Jason Perkins sa huling 7.9 segundo at depensa ni Mallari kay Terrence Romeo sa pagtunog ng final buzzer ang nagpreserba sa panalo ng Phoenix.

Samantala, magduduwelo ang Barangay Ginebra at Magnolia sa kanilang ‘Manila Clasico’ ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang salpukan ng NLEX at Blackwater sa alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagmula ang Gin Kings sa 100-97 panalo laban sa Phoenix Fuel Masters kung saan tumabla si LA Tenorio kay four-time PBA MVP Alvin Patrimonio sa 596 sunod na paglalaro.

Umiskor naman ang Hotshots ng 103-87 panalo laban sa Alaska Aces at Columbian Dyip, 109-83, para buhayin ang kanilang tsansa sa quarterfinals.

“Kahit medyo nasa hulihan pa rin (of the standings), at least iyong rhythm at defensive mindset nandiyan na,” wika ni Magnolia coach Chito Victolero.

vuukle comment

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with