^

PM Sports

Meralco Bolts lusot sa 2OT

Russell Cadayona - Pang-masa
Meralco Bolts lusot sa 2OT
Si Ranidel De Ocampo ng Meralco laban kau Muala Tautuaa ng Northport.
PM photo ni Joven Cagande

MANILA, Philippines – Hindi sapat ang isang overtime para makuha ng Meralco ang panalo.

Nagsanib-puwersa sina Baser Amer at Chris Newsome para itakas ang Bolts laban sa NorthPort Batang Pier, 126-123 sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumonekta si Amer ng dalawang krusyal na three-point shots sa hu-ling dalawang minuto ng ikalawang overtime para wakasan ang three-game losing skid ng Meralco.

Tumapos si Newsome na may 28 points, 12 rebounds, 7 assists at 4 steals para sa Bolts, nakatabla sa 106-106 matapos iwanan ng Batang Pier sa 100-106 sa huling 30.1 segundo sa fourth period.

Nagwakas sa 113-113 ang iskor sa unang extra period kasunod ang basket ni Ranidel De Ocampo at magkasunod na triples ni Amer para sa 121-113 bentahe ng Meralco sa 2:21 minuto ng ikalawang overtime.

Huling nakadikit ang NorthPort, nalasap ang ikaapat na dikit na kamalasan, sa 123-125 mula sa tirada ni Moala Tautuaa sa natitirang 11.1 segundo.

Hangad naman ng Alaska na manatili sa pagsosolo sa ikatlong silya sa pagharap sa nanganganib na Magnolia ngayong alas-6:45 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon, puntirya ng TNT Katropa ang pang-limang panalo laban sa Blackwater.

vuukle comment

MERALCO BOLTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with