^

PM Sports

May bonus ang Gilas kina MVP at RSA

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang magkaribal na negosyo at koponan pagdating sa bayan.

Iyan ang pinatunayan nina Manny V. Pangilinan (MVP) at Ramon S. Ang (RSA) ng San Miguel Corporation matapos magkaisang suportahan nang solido ang Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nagbunga ito para sa bayan dahil sa ikalawang sunod na pagkakataon ay aabante sa prestihiyosong world quadrennial basketball meet ang Gilas sa darating na Agosto na gaganapin sa China.

Subalit hindi lang sa basketball court nagtapos ang suporta ng dalawang magkaribal na kumpanya dahil pareho rin silang nagbigay ng bonus sa lahat ng Gilas Pilipinas program.

Ito ay mula kina head coach Yeng Guiao, opis-yal ng koponan at coaching staff hanggang sa 14-man pool ng Gilas Pilipinas na sina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Jayson Castro, Troy Rosario, Marcio Lassiter, Paul Lee, John Paul Erram, RR Pogoy, Mark Barroca, Japeth Aguilar, Thirdy Ra-vena, Raymond Almazan at Scottie Thompson.

Maging ang team uti-lity staff ay nabigyan din ng biyaya na pinili na lamang hindi idetalye ng parehong panig.

Bagama’t hindi nai-detalye, inaasahan na tumataginting ang premyo ng koponan dahil sa pabirong pahayag ni MVP.

“Sometimes it may be cheaper for the team to lose,” ngiti ni MVP, chairman emeritus ng Sama-hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at miyembro rin ng FIBA Central Board.

Ibinigay ang mga bonus ng mga naturang Gilas players at staff kamakalawa sa ginanap na homeco-ming press conference ng koponan sa Meralco Lighthouse sa Ortigas na dinaluhan din ng mga PBA Board of Governors gayundin ng SBP officials.

Sa kampo naman ng SMC, bagama’t wala sa pagtitipon ang big boss na si Ang ay kinatawan naman siya ng SMC Sports Director at governor ng Ginebra na si Al Francis Chua gayundin nina Magnolia at San Miguel governors Rene Pardo at Robert Non, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

MVP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with