^

PM Sports

5-sunod na panalo sa phoenix

Russell Cadayona - Pang-masa
5-sunod na panalo sa phoenix
Si Calvin Abueva ng Phoenix laban kina Marlon Magat at Cyrus Baguio.
PBA Image

MANILA, Philippines – Bukod kay Matthew Wright ay dapat ding saluduhan ni head coach Louie Alas si small forward Calvin Abueva.

Habang si Wright ang umiskor sa huling apat na puntos ng Fuel Masters sa fourth quarter ay sinupalpal naman ni Abueva ang tangkang three-point shot ni Bong Galanza sa pagtunog ng final buzzer para selyuhan ang kanilang 83-82 paglusot sa NLEX Road Warriors sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Ang pang-limang sunod na arangkada ng Fuel Masters ang nagpatibay sa kanilang paghawak sa solong liderato habang nadiskaril naman ang target na pangatlong dikit na ratsada ng Road Warriors para sa kanilang 2-4 marka.

Nagposte si Wright ng 17 points, 6 assists, 5 rebounds at 2 steals para sa Phoenix kasunod ang 14 at 13 markers nina Jason Perkins at Abueva, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan naman ni big man JR Quiñahan ang NLEX mula sa kanyang 14 points kasunod ang 12 markers ni Galanza.

Nagtayo ang Fuel Masters ng 17-point lead sa first half hanggang balikan ng Road Warriors at ilista ang 11-point advantage, 58-47 sa 8:06 minuto ng third period.

Nagsalpak naman si Wright ng triple at dalawang free throws kasama ang dalawang charities ni center Justin Chua para itaas ang Phoenix sa 83-77 bentahe sa 2:45 minuto ng fourth quarter.

Kumonekta ng Euro step si Galanza kasunod ang tres ni Philip Pa-niamogan para idikit ang NLEX sa 82-83 sa natitirang 56.4 segundo.

Samantala, pupuntiryahin ng Barangay Ginebra ang kanilang ikalawang sunod na pana-lo sa pagharap sa Blackwater ngayong alas-5 ng hapon sa Digos City, Davao del Sur Coliseum.

Umiskor ang Gin Kings ng 97-85 panalo kontra sa Columbian Dyip kung saan humakot si Greg Slaughter ng personal conference high 22 points bukod pa sa 12 rebounds at 5 assists noong nakaraang Sabado sa Ynares Center sa Antipolo City.

 

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with