^

PM Sports

FEU, Ateneo, Adamson asam ang Final 4 sa UAAP juniors basketball

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tangka ng Far Eastern University-Diliman, Ateneo at Adamson University na kumpletuhin ang Final Four sa pagharap sa magkakaibang kalaban ngayon sa UAAP Season 81 juniors basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng Baby Tamaraws ang UP Integrated School sa alauna ng hapon, haharapin ng Blue Eaglets ang University of Santo Tomas sa alas-9:00 ng umaga habang lalabanan ng Baby Falcons ang De La Salle-Zobel sa alas-3:00 ng hapon.

Hangad naman ng nauna nang semifinalist na National University na makasiguro ng playoff para sa twice-to-beat slot laban sa University of the East sa alas-11 ng umaga.

Ang Bullpups, wala pang talo sa second round, ang nangunguna sa 10-1 karta kasunod ang FEU-Diliman at Ateneo na magkasalo sa No. 2 sa parehong 8-3 record habang ang Adamson University ay may 7-4 karta sa fourth place.

 Ang Tiger Cubs ay may 5-6 record at ang upset sa Eaglets ay maglalagay sa Baby Falcons sa mahigpit na laban kontra sa sixth-running Junior Archers (4-7) .

vuukle comment

ADAMSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with