^

PM Sports

Pogoy may nais patunayan

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Pogoy may nais patunayan

MANILA, Philippines — Ngayong nakabalik na siya sa Gilas Pilipinas, pa-ngako ni Roger Pogoy na madala ang kanyang mga natutunan upang patuna-yan na karapat-dapat niyang muling ire-presenta ang bansa.

Isa ang Talk ‘N Text guard na si Pogoy sa bagong 14-man pool ni head coach Yeng Guiao para sa ikaanim na window ng 2019 Internatio-nal Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers na magbibigay sa kanya ng pagkakataon upang maglaro ulit para sa bayan pagkatapos ng anim na buwan.

At dahil dito ay nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinigay ni Guiao, bagay na hindi naman niya sasayangin.

“Sobrang nagpapa-salamat ako kay coach Yeng na kinuha ako ulit,” aniya. “Excited ako na makalaro ulit para mawala na ‘yung dating nangyari. Para ma-prove ko na hindi ako ganun.”

Magugunitang noong nakaraang Hulyo ay si Pogoy ang itinuturong mitsa ng malaking kaguluhan sa pagitan ng Gilas at Australia sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sa huling mga minuto ng third quarter kung saan lamang ang Australia, 79-48, natulak ni Pogoy si Chris Goulding na bumagsak agad sa sahig bago sumaklolo si Daniel Kicket na siniko naman sa mukha si Pogoy.

Sumiklab na ang rambol na nagresulta sa ejections ng 13 manlalaro. Kalaunan, malalaking multa at suspensyon ng siyam na manlalaro ang natanggap ng Gilas kabilang na doon si Pogoy na nabigyan ng limang la-rong suspensyon. 

vuukle comment

ROGER POGOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with