^

PM Sports

Win. No. 7 target ng SMB-Alab

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng nagdepensang San Miguel-Alab Pilipinas ang pang-pitong panalo sa pakikipagtagpo sa Macau Black Bears ngayon sa pagpapatuloy ng 9th Asean Basketball League (ABL) sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Ang Alab Pilipinas ay hindi pa natatalo sa kanilang home court sa limang laro (5-0) at 1-2 sa road game, ang huli nilang talo ay sa mga kamay ng Formosa Dreamers, 72-73 noong Linggo lamang at ang una ay sa Wesports Malysia Dragons, 71-72 noong Enero 9.

Kaya hangad ng tropa ni coach Jimmy Alapag na bumangon agad para mapanatili ang tiwala ng buong koponan tungo sa asam na back-to-back titles.

Itataya rin ng Alab Pilipinas ang hawak na solo liderato sa 6-2 win-loss kartada dahil kung matatalo sila sa Black Bears sa alas-8 ng gabi ay maaari silang  bumagsak sa sosyohan sa top spot kung magwawagi rin ang Westports Malaysia (5-3) laban sa Saigon Heat bukas.

Ang Black Bears ay galing sa dalawang sunod na talo, ang una ay sa CLS Knights-Indonesia, 78-105, noong Enero 13 at sa Hong Kong Eastern, 90-114, noong Miyerkules sa University of Macau Gym.

Pagkatapos sa laro kontra sa Black Bears, haharapin naman ng Alab Pilipinas ang Mono Vampire-Thailand sa Linggo sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex na magpapaalala sa kanilang Finals showdown noong nakaraang taon.

Sasandal si coach Alapag kina Puerto Rican imports na sina Renaldo Balkman at PJ Ramos at back-to-back MVP Bobby Ray Parks Jr. Aasahan din sina 6’2 Fil-Am guard Ethan Alvano, 6’7 Brandon Rosser, kapatid ni Matt Ganuelas-Rosser ng SMB, 6’5 forward Caelan Tiongson, Thomas Torres at Prince Rivero.

 Muli ring hahataw ang mga beteranong sina Josh Urbiztondo, Chris Sumalinog, Nico Javelona, Ray Alabanza at Lawrence Domingo.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with