^

PM Sports

Warriors inangat nina Curry, Thompson

Pang-masa
Warriors inangat nina Curry, Thompson
Si Steph Curry ng Golden State laban kay Jamal Murray ng Denver.

DENVER — Nagpasabog sina Stephen Curry at Klay Thompson ng tig-31 points para tulungan ang Golden State Warriors na padapain ang Denver Nuggets, 142-111 at muling mapasakamay ang top spot sa Western Conference.

Nagposte ang Warriors ng NBA record na 51 points sa first quarter patungo sa kanilang pang-limang sunod na panalo.

Nagwakas naman ang 12-game home winning streak ng Nuggets.

Nagsimula ang clinic nang umiskor ang Golden State ng 51 points sa opening quarter na bumasag sa 50 markers na nagawa ng ilang koponan kung saan ang huli ay ang Phoenix Suns laban sa Denver noong Nobyembre 10, 1990.

Naglista rin ang Warriors, nakahugot kay Ke-vin Durant ng 27 points, ng 38 assists at nagsalpak ng 21 three-pointers.

Pinamunuan ni Malik Beasley ang Nuggets mula sa kanyang 22 points habang nalimitahan si Nikola Jokic sa 17 points at 8 assists dahil sa pagkakalagay sa foul trouble.

Sa Milwaukee, kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 12 points, 10 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikaapat na triple-double nga-yong season at ihatid ang Bucks sa 124-86 pagbugbog sa Miami Heat.

Nag-ambag si Eric Bledsoe ng 17 points kasunod ang 16 ni Malcolm Brogdon para sa Milwaukee, naipanalo ang 13 sa huli nilang 16 laro simula noong Disyembre 14.

Pinaganda ng Bucks ang kanilang record sa 31-12, ang second-best sa NBA.

Binanderahan naman nina Justise Winslow at Hassan Whiteside ang Heat (21-21) mula sa kanilang tig-19 points.

Sa Atlanta, kumolekta si guard Trae Young ng 24 points at 11 assists para akayin ang Hawks sa 142-126 paglampaso sa Oklahoma City Thunder.

Umiskor naman si dating Atlanta point guard Dennis Schroder ng 21 points sa panig ng Oklahoma City.

Ipinoste ng Hawks ang 70-55 bentahe sa dulo ng second period at hindi na pinaporma ang Thunder.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with