^

PM Sports

Parks clear na

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Parks clear na

MANILA, Philippines — Ayos na ang problema ni Bobby Ray Parks Jr matapos payagan ng Philippine Basketball Association (PBA) na tapusin muna ang kanyang pagla-laro para sa San Miguel-Alab Pilipinas sa idinaraos na 2018-2019 Asean Basketball League (ABL).

Ito ay matapos makitaan ng liga ng ‘precedent’ ang kaso ng two-time ABL Most Valuable Player na si Parks Jr. bunsod ng masususing rebyu simula nang humingi ng paglilinaw ang Blackwater kung maaari na ba itong lumaro sa kanilang koponan noong nakaraang linggo.

Ginawang basehan ng PBA sa tulong ng Legal Head na si Atty. Melvin Mendoza ang mga nakaraang sitwasyon ni Alvin Patrimonio, Don Allado, Scottie Thompson at Christian Standhardinger.

“May precedent. Ganyan ang nangyari kina Alvin, Don, Scottie at Christian so papayagan namin si Bobby Ray Parks na maglaro sa ABL,” ani Commissioner Willie Marcial.

Magugunita kasing pareho ang naging kaso ni Parks kay Standhardinger noong nakaraang taon matapos itong mapili bilang first overall pick ng San Miguel sa gitna ng kanyang kontrata sa Hong Kong sa ABL.

Hindi nakalaro si Standhardinger sa buong Philippine Cup dahil tinapos muna niya ang kanyang ABL stint na siyang papayagan din aniyang gawin ni Parks na nakuha ng Blackwater bilang second overall pick sa 2018 PBA Annual Rookie Draft noong nakaraang buwan.

Pinayagan din ng PBA ang mga ibang players tulad nina Patrimonio sa Philippine Amateur Basketball League (PABL), Don Allado sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at Thompson sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) bago sila pumasok sa PBA.

Inalok ng Blackwater si Parks ng maximum three-year rookie contract na nagkakahalaga ng P10.4 milyon subalit hindi pa siya pumipirma sa naturang kontrata hanggang ngayon.

vuukle comment

BOBBY RAY PARKS JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with