^

PM Sports

Fajardo sure na sa MVP?

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Fajardo sure na sa MVP?
June Mar Fajardo

MANILA, Philippines — Pararangalan ngayon ang pinakamamagaling na manlalaro ng nagdaang taon sa Leo Prieto Awards bago ang pagbu­bu­kas ng 44th PBA Season sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ito ang unang pagka­kataon sa 43 taon ng PBA na idaraos ang Leo Awards sa season-opener, taliwas sa tradisyon ng pag­sasagawa nito tuwing Game Four ng Governors’ Cup Finals.

Nakatakda ang seremonya sa alas-4 ng hapon bago ang parada ng mga koponan at bakbakan ng Barangay Ginebra at TNT Katropa sa alas-6:30 ng gabi.

Pinakaaabangang pa­rangal ang Most Valuable Player na pag-aagawan ni­na Stanley Pringle ng Northport at June Mar Fa­jardo ng San Miguel.

Bahagyang angat si Pringle sa karera bunsod ng naipon niyang 35.5 sta­tistical points kontra sa 33.2 SPs ni Fajardo matapos ang tatlong kompe­ren­sya.

Subalit may laban din si Fajardo lalo’t nakapagbulsa siya ng dalawang Best Player of the Confe­rence awards sa Philippine Cup at Commissio­ner’s Cup bukod pa ang kampeonato at Finals MVP.

Hangad ni Pringle ang una niyang MVP, habang makasaysayang ika-li­mang MVP naman ang tangka ni Fajardo.

Sinuman ang magwa­gi ay sigurado namang pasok ang dalawa sa First Mythical Team ng PBA.

Samantala, sigurado na sa Rookie of the Year trophy si Jason Perkins ng Phoenix bunsod ng ma­laking bentahe kina Je­ron Teng ng Alaska, Raymar Jose ng Blackwater at Robbie Herndon ng Magnolia.

 

vuukle comment

FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with