^

PM Sports

Ang masterful stroke ni Dioceldo Sy

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Marami ang nagulat at na-excite sa galaw ng NLEX Road Warriors sa katatapos na 2018 PBA Rookie Draft.

Lingid sa lahat, pinaka-excited si Blackwater ow­ner Dioceldo Sy na noong mga oras nang draft pro­ceedings ay nasa isang restaurant sa itaas ng Ro-binson’s Place Manila at nakikipag-communicate sa NLEX Road Warriors team.

May naluto na pala silang trade move kung saan mapupunta si Poy Erram sa NLEX kapalit ang mga players na idra-draft ni coach Yeng Guiao.

“Walang naka-anticipate ng move namin noh?” ani Sy, proud sa namaneobra nila sa drafting.

“Ako ang nagpa-draft kay Paul Desiderio at No. 4. Kasi kung mag-Abu Tratter ang NLEX, kukunin ng Rain or Shine si Desiderio at No. 6,” paliwanag ni Sy.

Kahapon, pormal na nagsara ng deal ang NLEX at Blackwater kung saan nauwi si Desiderio at Tratter sa Elite camp kasama si No. 2 pick Bobby Ray Parks.

Nang tinanong ko kung sino ang tingin niya na biggest winner sa 2018 PBA draft, walang gatol na sumagot agad si Sy na “siyempre kami.”

Sa third round ay nakuha rin ng Blackwater ang isa pang UP Maroon sa katauhan ni Diego Dario.

“Go UP kami dahil meron pa kaming Kobe Paras na papapirmahin as endorser ng product namin,” ani Sy.

Sa nabuo niyang koponan kasama ang mga da-ting core players na sina Mac Belo, Allein Maliksi, Mike Digregorio, Raymar Jose, John Pinto at iba pa, tingin ni Blackwater boss na semifinal contender na ang kanilang team.

Isang importanteng materyales ang pinakawalan nila sa katauhan ni Paul Christian Zamar. “Hindi ko ma­tanggihan ang request ng tatay niya (SMB assistant coach Boyzie),” ani Sy. “Mas magandang kontrata ang puwede niyang makuha doon. Eh nagpapagawa ng bahay ang pamilya nila, so hinayaan ko na.”

vuukle comment

DIOCELDO SY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with