^

PM Sports

San Beda wala pa ring talo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Inilabas ng San Beda University ang bangis ni­to sa huling sandali ng laro upang kubrahin ang 17-25, 25-13, 25-9, 21-25, 15-11 panalo laban sa Jose Rizal University pa­ra manatiling malinis ang kanilang record sa NCAA Season 94 wo­men’s volleyball tourna­ment sa The Arena sa San Juan City.

Halimaw sina Maria Nieza Viray at Cesca Rac­raquin para buhatin ang Lady Red Spikers sa ikalimang sunod na pa­nalo at mapatatag ang ka­pit sa liderato.

Kumana si Viray ng 26 puntos na nabuo nito sa 23 attacks, dalawang blocks at isang ace, habang mala-MVP performance naman ang inilatag ni Racraquin na naglista ng 18 attacks, anim na aces, isang block at 22 digs.

Nagdagdag naman si­na Jiezela Viray, Sat­rianni Espiritu at Trisha Paras ng pinagsama-samang 24 puntos habang may 35 excellent sets si Lynne Matias, at 31 digs at 23 receptions si libero Daryl Racraquin para sa San Beda.

Lumasap ang Lady Bombers ng ikatlong ka­biguan para mahulog sa 2-3 marka.

Nagpakawala ang San Beda ng kabuuang 60 hits – lamang ng 20 kills sa 40 na nakuha ng Jose Rizal.

Sa men’s division, na­­naig ang Jose Rizal sa San Beda sa iskor na 20-25,25-19, 25-22, 28-26, pa­ra sumulong sa 2-3 ba­­raha.

Bagsak naman sa 1-4 ang Red Lions.

Sa ikalawang laro, namayani ang nagdedepensang Arellano University sa Lyceum of the Philippines, 25-19, 25-20, 25-17, para saluhan ang San Beda sa unahan ng standings tangan ang parehong 5-0 marka.

Nahulog ang Lyceum sa 1-5 baraha.

vuukle comment

SAN BEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with