^

PM Sports

Pang-10 titulo ng Ateneo

Francisco Cagape - Pang-masa
Pang-10 titulo ng Ateneo

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Ateneo Blue Eagles ang kanilang pang-sampung titulo matapos muling igupo ang University of the Philippines Fighting Maroons, 99-81 kahapon para walisin ang best-of-three Finals series, 2-0 ng Season 81 UAAP Men’s basketball tourney sa Smart Araneta Coliseum.

 

Umani si Thirdy Ravena ng career-high 38 puntos, 5 rebounds, anim na assists at 3 steals habang 22 puntos naman mula kay Angelo Kouame na may kasamang 21 rebounds, 1 assists at dalawang blocks upang angkinin ang ika-apat na back-to-back titles ng Ateneo sa harap ng 23,471 crowd.

Tumulong din ng 11 puntos, pitong rebounds, isang assist at dalawang steals si Raffy Verano para sa kanilang ikala-wang korona sa 3-sunod na Finals appearances.

Hinirang din bilang Finals MVP si Ravena sa kanyang average na 21 puntos, 8 rebounds,  7.5 assists at 2.5 steals kada-laro.

Lumamang ng 12 puntos ang Ateneo,  25-13 sa first quarter tungo sa kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa Fighting Maroons sa serye matapos ang 88-79 panalo sa Game 1 noong Sabado.

Hindi rin makalayo ng husto ang Ateneo dahil pinipigil nina Bright Akhuetie, Juan Gomez De Liaño at Paul Desi-derio ng UP ang tangkang rally kaya nanatili sa 11 puntos ang bentahe ng Blue Eagles, 48-37 sa first half.

Dahil hindi 100% si Akhuetie bunga sa iniindang left knee injury, magaang nalamangan ng Ateneo ang UP sa rebound department kung saan gumawa si Kouame ng 21 sa kabuuang 51 sa Ateneo habang 32 sa Fighting Maroons, pito mula sa Nigerian MVP.

Umabot pa sa pinakamalaking 18 puntos ang bentahe ng Ateneo, 68-50, sa one-hand dunk ni Kouame 2:30 minuto pa ang natitira sa ikatlong yugto at lumobo sa pinakamalaking 22 puntos, 81-59. Mula noon naging lopsided na ang laro at hindi na nakarekober pa ang Fighting Maroons.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with