^

PM Sports

Bagong 20-man pool ni coach Yeng Guiao

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Bagong 20-man pool ni coach Yeng Guiao
June Mar Fajardo, Greg Slaughter, Yeng Guiao at Andray Blatche

MANILA, Philippines — Naitsapuwersa si naturalized import Andray Blatche sa pinakabagong 20-man training pool ng Team Pilipinas na pinangalanan ni head coach Yeng Guiao kagabi sa halftime ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup quarterfinal battle sa pagitan ng Magnolia at Blackwater sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay Guiao, para sa kapakanan ng chemistry ng koponan ang hindi pagkakasali ng 32-anyos na si Blatche lalo’t maaari lamang siyang makalaro ng isang game sa paparating na 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers dahil sa kanyang tatlong-larong suspensyon.

“There’s been some a lot of considerations. It was really a hard decision on our part but we took into consideration the chemistry that has been built up from the Asian Games with Christian and Stanley,”ani Guiao. “Theres a really strong bond among the members and we want to preserve that.”

Sa kanyang pagkawala, natoka ngayon kina June Mar Fajardo at Greg Slaughter ang kargadong giyahan ang 20-man pool ni Guiao na nabasbasan na ng PBA Board at ni Commissioner Willie Marcial sa ginanap na board meeting kahapon din.

Sasamahan sila ng mga orihinal na miyembro ng pool na sina Scottie Thompson, Beau Belga, Ian Sangalang, Paul Lee, Stanley Pringle, Alex Cabagnot, Gabe Norwood, Marcio Lassiter, Japeth Aguilar, Matthew Wright at Christian Standhardinger.

Idinadag din sa pool ang dalawang national team cadets na sina 7’1 Kai Sotto at guard na si Ricci Rivero habang nagbalik rin sa koponan sina Jayson Castro at Troy Rosario matapos ang kanilang suspensyon.

Bukod sa mga nabanggit ay supresa ring isinama ni Guiao ang mga beteranong sina LA Tenorio at Arwind Santos na nagbabalik sa national team kahit matagal nang nagretiro sa international play.

Lubos ang pasasalamat ni Guiao na binabasbasan ng PBA sa pamumuno ni Marcial at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pangunguna ni President Al Panlilio ang kanyang koponan na sasalang kontra sa Kazakhstan sa Nobyembre 30 at sa Iran sa Disyembre 3 na parehong gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Hindi rin napabilang sa pool ang ilang kilalang manlalaro na dating nasa koponan na sina Asi Taulava, Raymond Almazan, Allein Maliksi at Terrence Romeo.

Magsisimulang magsanay ang Team Pilipinas sa Nobyembre 12, 14 at 16 bago magkaroon ng araw araw na ensayo sa pagtigil ng PBA simula Nobyembre 18 hanggang Disyembre 4.

Sasalang din sa practice games ang koponan ni Guiao kontra sa Jordan sa Nobyembre 19 at 21 at kontra sa Lebanon sa Nobyembre 23 at 25.

vuukle comment

GREG SLAUGHTER

JUNE MAR FAJARDO

YENG GUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with