^

PM Sports

Isa kina Blatche at Standhardinger ang maglalaro bilang naturalized player

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Si Andray Blatche o Christian Standhardi­nger bilang naturalized pla­­yer ng Team Pilipinas?

Iyan ang mahirap na desisyong kailangang ga­win ni national team coach Yeng Guiao papa­lapit sa krusyal na fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong buwan.

Mananatili sa ori­gi­nal na pool ni Guiao si Standhardinger na nag­la­ro sa fourth window ng Asian Qualifiers, habang si Blatche ay nakabalik mula sa kanyang sus­pensyon sa FIBA.

Isa ang 6-foot-8 na si Standhardinger ang naging malaking piraso ng Team Pilipinas sa ginanap na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia noong Hulyo.

Hindi doon nagtapos ang kanyang stint dahil naglaro din siya sa fourth window kontra sa Iran at Qatar noong Set­yembre.

Sa kabilang banda, na­katakdang tapusin ni Blatche ang kanyang three-game suspension kontra sa Kazakhs­tan sa Nobyembre 30 ka­ya puwede na siyang maglaro kontra sa Iran sa Dis­yem­bre 3.

Ayon kay Guiao, ma­gandang problema ito sa Team Pilipinas dahil sa umaapaw na big men nga­yon.

“Good problem ‘yun. We will decide how much we need Blatche. Pag-uusapan pa iyon,” ani Guiao.

Bukod kina Stand­har­dinger at Blatche, sasalubungin din ng Team Pilipinas ang pagbabalik nina Greg Slaughter (ankle) at June Mar Fa­jardo (shin) mula sa ka­nilang mga injuries.

Dadagdag sila sa mga dating big men ng ko­ponan na sina Ian Sangalang, Raymond Al­mazan, Beau Belga, JP Erram at Asi Taulava.

Nakatakdang panga­lanan ni Guiao ang kanyang training pool sa Nobyembre 6.

 

vuukle comment

BLATCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with