^

PM Sports

Ateneo lumapit sa semis

Francisco Cagape - Pang-masa
Ateneo lumapit sa semis
Umiskor si Kakou Kouame ng Ateneo laban kay Antonio Joson ng NU.
PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Nasungkit ng nagdedepensang Ateneo Blue Eagles ang playoff berth para sa huling semis slot matapos tambakan muli ang National University Bulldogs,79-64, kahapon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Humataw si Thirdy Ravena ng 23 puntos, 16 nito sa first half at humatak pa ng 12 rebounds, tatlong assists at isang steal para manatili sa solo top spot, tatlong laro na lamang ang natitira sa kanilang elimination round assignmemts.

Sa kanilang 9-2 win-loss kartada, nakasiguro na ang tropa ni coach Tab Baldwin ng playoff para sa huling semis slot dahil puwede pang umabot sa 9 wins ang solo fourth spot  UP Fighting Maroons sa kanilang 5-5 slate at ang pang-anim na UST Growling Tigers sa kanilang 4-5 record.

Makakaharap nila sa susunod nilang laban ang pumapangalawa at first round tormentor na Adamson Soaring Falcons (7-2) sa Nobyembre 4.

Nakamit naman ng Bulldogs ni coach Jamike Jarin ang pang-pitong talo sa sampung laro kaya namiligro na ang kanilang hangarin na semifinal entry.

Kaagad umarangkada ang Katipunan-based Blue Eagles ng 10-0 run at mula noon ay hindi na binitiwan pa ang bentahe tungo sa pagsikwat ng ika-apat sunod panalo at ikalawa laban sa Bulldogs, ang una ay 72-46 sa first round noong Sept. 22.

Nagposte rin ng double-double si Angelo Kouame sa kanyang 19 puntos, 16 rebounds at anim na blocks habang ang rookie na si Samjosef Belangel ay tumulong ng 11 puntos, tatlong assists at dalawang rebounds para sa Ateneo.

Hindi rin nagpaawat ang De La Salle Green Archers para makagaanti sa  Far Eastern University Tamaraws, 65-57 upang makopo ang pang-anim na panalo sa sampung laro at manatiling buhay ang pag-asang twice-to-beat sa Final Four.

Ang Tamaraws ay bumagsak sa solo fifth spot sa 5-6 record.

vuukle comment

ATENEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with