Dyip sinagasaan ang Elasto Painters
MANILA, Philippines – Kasabay ng pagpigil sa kanilang siyam na sunod na kabiguan ay tinapos ng Columbian ang 25-game losing skid sa season-ending conference.
Kumolekta si import Akeen Wright ng 23 points at 12 rebounds para tulungan ang sibak nang Dyip na talunin ang Rain or Shine Elasto Painters sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Humugot si Wright ng 11 points sa fourth quarter na tinampukan ng tatlong three-point shots.
“It feels good. We don’t wanna end the season with an 0-11 record,” sabi ni Wright, nakahugot ng 18 markers kay Jerramy King kasunod ang tig-16 at 13 points kina Rashwan McCarthy, Ronald Tubid at Andres Cahilig, ayon sa pagkakasunod.
Napigilan naman ang two-game winning run ng Rain or Shine na naglagay sa kanilang kampanya sa panganib.
Tinalo ng Dyip ang Elasto Painters sa ikatlong sunod nilang pagtutuos ngayong taon.
Ang triple ni Wright ang nagbigay sa Columbian ng 16-point lead, 86-70, bago ito pinalaki sa 91-70 mula sa tres ni King sa natitirang 3:03 minuto ng final canto.
Hindi na ito nagawang paliitin ng Rain or Shine.
Umiskor si import Terrence Watson ng 18 points para sa Elasto Painters.
- Latest